Naniniwala ba kayo sa love at first sight? Paano kung ang tagal mo ng naghahanap ng taong para sayo pero the moment na marealize mo kung sino siya, yung sitwasyon naman ang hadlang? Paano kung yung taong pilit mong nirereject at binabalewala noon ay yung taong mamahalin mo pala ng sobra? Paano kung ngayong mahal mo na siya, magkalayo naman kayo? Kakayanin mo ba ang long distance relationship? O susuko ka nalang kasi alam mo mahihirapan ka lang? Anong sakit ba ang mas kaya mong tanggapin? Sakit na alam mong may chance kayo pero hindi ka lumaban dahil feeling mo masasaktan ka lang kahit di mo pa nasusubukan o sakit na kayo naman pero malimit niyo lang makita ang isa't isa at araw-araw nandun ang pagnanais na sana kasama mo siya? Pero paano kung nakaplano na ang buhay mo? Ano ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Mga panghihinayang na sana pwede mong baguhin. Nakaraan na sana pwede mong balikan. Ano nga ba ang nagagawa ng pag-ibig? Ito ang magiging kwento ko.(CC) Attribution-NoDerivs