Gamit ang mahika ni Fairy Godmother, gumanda ang mangkukulam na si Cromuella. Kailangan niyang gumanda para makaakit ng prinsipe. At may nakilala siyang isang guwapong lalaki na nagpakilala bilang kapatid nito. Puwede na rin, 'di ba? Kaso, hindi pala talaga kapatid ng prinsipe ang tinamaan ng magaling. Magnanakaw pala! At ngayon, napagkamalan na siyang kasabwat! Wala siyang magagawa kung hindi sumama sa lalaki. Nang malaman niya ang dahilan nang pagnanakaw ng lalaki ay nakumbinse naman siyang makipagsabwatan dito. At habang pinaplano nila ang bawat pagnanakaw ay minahal niya ito. May isa nga lang na tanong: mahal din kaya siya nito kung may nauna ng babae sa buhay nito: si Rapunzel na ikinulong sa isang tore?
33 parts