Paano ka ba magmahal? Katulad ka din ba nila na gagawin ang lahat para sa kanya? Natatakot ka bang masaktan? Siguro. Lahat naman nang tao ay takot masaktan pero sumusugal pa rin tayo sa isang bagay na walang kasiguraduhan dahil doon natin mararamdam ang saya na may lungkot. Posible ba yun? You are happy while you're hurt. Na kahit na alam mong matatalo ka na, isusugal mo pa rin ang kaunting barya dahil nagbabakasali kang mababawi mo ang lahat. Siguro nga, masarap magmahal. Ilang beses ka na bang nagmahal? Ako? Once? Twice? I don't know.