Hi, ako nga pala ikaw, yung inner voice mo na ang daming sinasabi pero di mo man lang masabi sa kanila kasi nahihiya ka at baka magalit sila sayo kaya instead na sabihin mo, nilalabas mo na lang dito yung saloobin mo sa librong ito.
Kaligayahan, kalungkutan, maski ang iyong pagkabigo dahil bumagsak ka sa pagsusulit ninyo, dito mo na rin sinusulat. Bakit nga ba? Basahin mo at ng malaman mo ang kwento ko, ang kwento ng iyong 'inner you' na dito mo lang mababasa.
Hali na't basahin natin ang kwento ko at matunghayan ninyo ang tunay na ikaw, bilang isang tahimik na babae sa labas pero madaldal na babae sa loob.
Halo-halong kwento ang iba ay imbento pero karamihan ay totoo. Ginamitan ng masusing pagsasaliksik upang maibigay ang impormasyong kailangan. Ang iba naman ay base sa tunay na karanasan. Sana naman ay inyong magustuhan ang munti kong nakayanan. Pasensya na at hindi ko pa nai-edit ang iba, pero pangako, gagawin ko itong kung may pagkakataon.
Salamat.