Sabi nila pag-mahal mo ang isang tao,maglalaan ka ng oras para makasama siya. Yung tipong hindi niya mararamdaman na wala na siyang halaga sa buhay mo. Yung pakiramdam na binabalewala ka lang kasi hindi ka importante. I am expecting na sana ako naman yung alagaan niya hindi yung puro pasyente. I know im selfish pero asawa niya ako,dapat hindi niya ako pinapabayaan dahil may karapatan din ako. Hindi buo ang buhay ko kung wala siya. Gusto ko sakin lang yung atensiyon niya pero dumating ang panahon na mas pinili niya pa ang career na maging doktor. Were almost 3 years married but ngayun lang to nangyari samin. Yung tipong hindi na nagkikita at nag-uusap araw-araw. We loved each other pero bakit parang multo nalang ako sa paningin niya? Panget ba ako?,Kapalit-palit ba ako? mas mahalaga pa ba sa kanya yung trabaho niya? Paano niya mapupinan ang ang mga pagkukulang niya sakin bilang asawa? Ayokong sumuko sa kaniya kahit masakkt na. sa gabing hihintayin ko siya para makasabay sa hapunan at pag-tulog eh palagi naman itong dumadating nang tulog na ako dahil sa antok. Sa umaga naman ay hindi kona ito naaabutan dahil maaga itong pumapasok sa trabaho. Kahit linggo manlang ay may trabaho ito. Parang hindi na kami mag-asawa. Ang sakit lang na isipin. wala na siyang time para sakin. trabaho,trabaho,trabaho lang ang nasa isip niya. Pano naman ako? Madaming tanong sa aking kalooban na siya lang ang makakasagot. I really missed him so much. he is Kevin Laqouzi,and he is My Husband,a Doctor ENJOY READING!All Rights Reserved