Isang mahika ang babago ng aking kapalaran, kapalaran kung saan dadanak ang dugo, hinanakit at pagmamahal, pero bakit kailangan ko pa tong tahakin kung masaya naman ako sa aking simpleng pamumuhay. Isa lang naman ang nag uudyok sakin eh, bakit ako may ganitong kakayahan pero ang aking kinalakihang pamilya ay wala? Bakit ako iba sa kanila? Mga tanong na gusto ko malaman kaya ko tinahak ang daan na ito. Sana mahanap ko dito.
Paraiso--iyan ang tingin ni Ariella sa Isla ng Bughawi. Ngunit hindi niya akalain na sa isang linggong bakasyon niya, mahuhulog ang loob niya kay Isagani, ang misteryosong lalaki na kilala ng lahat, at ito ang mitsa ng muling pagkabuhay ng isang natatanging alamat na matagal nang bumabalot sa isla.
***
Sa wakas ay nagkakaroon na rin ng pagkakataon si Ariella na makaalis ng Maynila at magbakasyon sa mala-paraisong isla ng Bughawi kasama ang kanyang matalik na kaibigan. Ngunit ang hindi niya alam, sa tagong isla na ito sa probinsya ng Quezon ay nananahan ang isang alamat. Tuwing ika-limampung taon, isang dayuhang babae ang iniaalay para maging asawa ng engkantong matagal ng naghahari sa isla. At ngayong taon, si Ariella ang napili nito.
Cover Design by Rayne Mariano