Story cover for A Whole New World by PrinsesaAhli
A Whole New World
  • WpView
    Reads 3,778
  • WpVote
    Votes 891
  • WpPart
    Parts 7
  • WpView
    Reads 3,778
  • WpVote
    Votes 891
  • WpPart
    Parts 7
Ongoing, First published Oct 04, 2019
Mature
Fairy tale
Happy ending
Happily ever after
Alam kong sa henerasyon ngayon, marami na ang hindi naniniwala sa mga salitang iyan. Katuwiran nila, wala raw ganoon sa totoong buhay kasi lahat ng tao mamamatay o di naman kaya wala iyan at hindi totoo kasi hindi naman daw sila masaya. Marami pang dahilan na hindi ko matanggap dahil sa totoo lang, may fairytale naman talaga. Hindi lang nakikita ng iba kasi hindi sila marunong makuntento, lagi na lang may kulang.
Isa pa, wala naman daw kasing magic sa mundo kaya hindi totoo ang fairytale. So Paano kaya kung titingnan ang magic sa ibang aspeto? Kung tutuusin, napaka-magical naman talaga ng buhay, e, hindi lang natin ito alam dahil ayaw nating tingnan o sadyang tinatakpan lang natin ng negatibo ang positibo.
Oo, wala pa akong boyfriend dahil teenager pa lang ako. Pero hindi ibig sabihin noon bitter ako dahil alam kong marami pa ring dahilan para maging masaya ka. Alam ko rin na may happy ending dito sa mundong ibabaw. Hindi naman ipapamulat sa mga bata ang fairytale stories gaya ng kay Aladdin kung hindi totoo, e. Paano ko nasabi? Dahil nakikita ko ito sa ibang aspeto.
Isa na rito ang pag-ibig. Alam kong mayroon pa ring mga tao na dalisay at wagas kung umibig, gaya ng mga nasa fairy tale stories. Iba nga lang ang paraan at may kalakip itong sakit sa bawat pagsubok na kailangan nating lampasan mapatunayan lang ang pag-ibig natin. Hindi rin ito tipikal na darating si Prince Charming at sasagipin ang prinsesa, dahil hindi natin kaibigan ang tadhana. Hindi nalalayo ang kaniyang paghamak sa di mapapantayan nating hangarin na umibig at ibigin. Nasa atin na lang kung paano tayo makikibaka sa kaniyang madayang paglalaro. Hindi ko kayang ipaliwanag ito sa pamamagitan lang ng salita pero kapag ikinuwento ko na ang buhay ko, baka through that, I can make a better explanation.
I am not going to introduce myself as of now, but let me tell you my story. Let me tell you my life and how I was brought to a whole new world.
All Rights Reserved
Sign up to add A Whole New World to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 9
ANG WALANG HANGGANG PAALAM cover
Fireworks (boyxboy) (Completed) cover
Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) Completed cover
The DIARY: The Story Of My First Fairytale √ cover
SHENO - Ang Sireno (Completed) BxB cover
Second Chance (bxb) cover
Forever Is Possible cover
ViceRylle; We Could Happen ♥ cover
You're My Worse Destiny ✔[COMPLETED] cover

ANG WALANG HANGGANG PAALAM

1 part Complete

"O pagibig na makapangyarihan... pag ikaw ay nasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat masunod ka lamang..."Katagang madalas nating maririnig sa matatanda tuwing tayo’y lumulundag sa usapang pag-ibig. Bakit nga ba nasabing makapangyarihan ang pag-ibig? Siguro gaya ngayon, hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko’t naisipan ko itong isulat. Ang totoo eh, ngayon lang ako magsusulat tungkol sa pag-ibig. Marahil sa kaduwagan na rin na masabihan akong baduy at malambot bilang isang lalake. Alam naman nating lahat na ang mga lalake ay hindi dapat kailanman madidikit sa mga bagay at usapin na nagpapakita ng kahinaan. Mga bagay na gaya ng bulaklak, hugis puso, kulay na pink, shitzu, at mga stuffed toys lalo na ang Hello Kitty. Allergic kami dun noh! Kung sa bagay may mga kilala din akong mga astig pero nanonood ng mga koreanovela at umiyak nung mamatay si Bruce Willis sa pelikulang Armageddon. Pero meron nga kayang taong walang emosyon? Yung tipong hindi marunong magmahal at hindi rin marunong magalit? Kung papansinin ang katotohanan marami naman talagang tumatandang dalaga’tbinata. Pero hindi rin naman siguro sa kadahilanang hindi sila marunong magmahal.