8 parts Ongoing Sa likod ng katahimikan ng San Gerardo Woods ay may mga matang laging nakamasid.
Matapos ang isang trahedya, bumalik si Luna Vergara, isang clinical psychologist, sa lumang bahay ng pamilya nila sa gilid ng kagubatan-isang lugar na halos kinalimutan niya matapos ang misteryosong pagkawala ng kapatid niyang si Theo sampung taon na ang nakalipas.
Pero ngayong siya'y bumalik, parang may mga lihim na gustong magmulat muli.
May mga aninong gumagalaw sa labas ng bintana.
May mga boses sa dilim na parang kilala niya.
At may isang "watcher" na tila alam ang lahat ng pinakatatago niyang kasalanan.
Habang lumalalim ang gabi at bumabalik ang mga alaala, kailangan niyang harapin hindi lang ang dilim sa kagubatan-kundi ang dilim na matagal nang nakatago sa loob niya.