Isang araw may isang grupo na nakacape na kulay black at inatake nila ang mundo kung nasaan don nakatira sina Din. Dinala ng tatay ni Din sina Din at Ana sa ibang mundo at ang huling habilin sa kanya ng tatay niya ay dapat siya ang maging pinakamalakas doon sa mundong pupuntahan nina Din at Ana at si Ana na ang bahala sa anak niyang si Din. At doon sa bagong mundo nila ay may mga maastig na adventure. Ang huling habilin ng tatay ni Din sa kanya ay hindi niya lang ito ginawang dream kundi goal, ginawa niyang goal yun. At dito sa story niya ay may mamemeet siyang mga bagong kaibigan, masters, at family. Hindi talaga sumusuko si Din na maging pinakamalakas siya rito sa bagong mundo na pinuntahan niya. Marami ring mga secrets ang bagong mundo na pinasukan nila, kung di nila malalaman yun, hindi magiging pinakamalakas si Din kaya magkakaroon sila nang napakamemorable na adventure kasama ang royal family na nakilala nina Din at Ana.