The Girl in White Dress (GxG)
  • Reads 1,041
  • Votes 76
  • Parts 3
  • Reads 1,041
  • Votes 76
  • Parts 3
Complete, First published Oct 05, 2019
"Kapatid mo ba 'yung nadapa kanina?" Pag-iiba ko nang topic dahil hanggang ngayo'y nakasimangot pa rin siya. 

"Hindi ko siya kapatid. Kaibigan ko sila"

"Sila?" Naguguluhang tanong ko. 

"'Yung mga bata dito. Kaibigan ko sila"

"Bakit naman mga bata ang kaibigan mo?" 

Inayos niya muna 'yung salamin niya bago tumingin sa akin. 

"Mas totoo kasi sila"

Napakunot ako ng noo. 

"Paanong totoo?"

"Inosente kasi at saka mas totoo silang kausap. Mas masaya rin silang kasama kung tutuusin"

Lumapit ako sa kanya at saka marahang siyang dinuyan. 

"So ibig mong sabihin wala kang ibang kaibigan na kaedad mo?"

Paano 'yun? Dumadayo pa siya dito sa playground para lang makipag-usap sa mga bata?

"Meron naman siguro.. " 

"Siguro? Ano'ng ibig mong sabihin na siguro?"

"Ikaw.. Kung okay lang sayo na magkaibigan na tayo. Edi may kaibigan na ako na kaedad ko"

Bigla akong napangiti. 

"Oo naman no! Magkaibigan na tayo" Sagot ko naman sa kanya. 

"Kaso.. " pabitin na sambit niya. 

"Kaso ano?"

"Kaso hindi pa kita kilala" 

Tumayo siya mula sa duyan at saka nakipagkamay. 

"Ako nga pala si Mary. Ikaw? Ano'ng pangalan mo?"

Inabot ko 'yung kamay niya at nakipagkamay na rin. 

"Jewel"
All Rights Reserved
Sign up to add The Girl in White Dress (GxG) to your library and receive updates
or
#793lesbian
Content Guidelines
You may also like
You may also like
Slide 1 of 10
Over the Horizon (Strawberries and Cigarettes Series #2) cover
Bound In Secrecy 🚩 cover
Ditto Dissonance (Yellow and Mishaps #1) cover
What Went Wrong (to the love that once was strong) [Caius & Celestine] cover
Monasterio Series 10: Her Wicked Smile cover
The Doctor Series #3: Reaching You cover
Double Take cover
The Playboy's Karma cover
Calm Down, Maverick cover
Under the Roaring Thunders (Strawberries and Cigarettes #4) cover

Over the Horizon (Strawberries and Cigarettes Series #2)

43 parts Complete

wxwc