"Can I own you for the rest of our lives, Kara?" LOVE at first sight. Iyon nga ang nangyari kay Melfoy Ferrer noong unang beses niyang makita si Kara Ignacio. He's willing to do everything just to have her in his life. Magmakaawa ng paulit-ulit. Mapahiya sa harap ng maraming tao. Lunukin ang sariling pride niya. Ayos lamang para kay Melfoy, basta pursigido siyang makuha ang dalaga. Nag tagumpay naman siyang makuha at pakasalan si Kara, ngunit ang problema hindi niya nakuha ang puso nang babaeng iniirog niya. Dahil sa trahedyang kinasangkutan, Kara had amnesia. Amnesia na siyang naging dahilan upang maging maayos silang mag-asawa. Ngunit, dapat nga bang ikatuwa ni Melfoy ang pangyayaring iyon kay Kara o naroon pa rin ang takot at pangamba na baka muli silang bumalik sa dati kapag gumaling na ito? O, baka naman ito ang maging tulay upang magkaroon ng katuparan ang matagal ng pinapangarap ni Melfoy para sa kanilang mag-asawa? FOREVER.