"Bella..." Napatigil siya nang tawagin ulit siya nito. "I told you i will court you. it's a statement not a question." Napaharap siya sa sinabi nito. Seryoso na ito, ang kaninang nakangiti mukha nito ay napalitan ng pagiging seryoso. Tinawid nito ang distansya mula sa kanya. Tumigil lang ito nang magkaharap na sila. Seryoso pa rin itong nakatitig sa kanyang mga mata. "Gusto kita. Kaya gusto pa kitang makilala. kaya liligawan kita." Napalunok siya nang mapagtantong seryoso nga ang lalaki. Yumuko ang lalaki hanggang sa magkapantay na sila nito saka ito bumulong sa kanya. "Kinikilig kana ba?" Napalingon siya dito nang marinig ang sinabi nito. Pero mukang maling ideya ang paglingon dito, dahil doon niya lamang napansin kung gaano kalapit ang mukha nito sa kanya. Unti-unti niyang naramdaman ang pamumula ng kanyang pisngi. At alam niyang nakita iyon ng lalaki na siyang ikinangiti nito, lumabas tuloy ang mga dimples nito. Agad siyang tumalikod dito at naglakad palayo. "See you later, beautiful." pahabol pa nito. Bwiset - - - This is the story of a girl named Bella on how her Stone Heart captured by a man named Rafael. Enjoy Reading!