Isa itong lathala na kung tutuusin ay walang magandang wakas. Dahil wala pang wakas at patuloy palang na nangyayari. Maaring sa iba walang kabuluhan, walang kahulugan ngunit sa kabuod buodan nito ay nakatago ang malalalim na damdamin. Damdamin na pilit itinago, pinilit kalimutan, pinilit baguhin at pinilit wakasan. Ang puso ay parang isang bulaklak. Sa una, maganda, mabango, masaya makita. Pero sa bawat paghampas ng mga araw, oras at panahon, matutuyo ito at malalagas. Hindi mo alam kung kailan ulit hihilumin ng panahon para bumukadkad muli. O bubukadkad ba ulit? Paano kung tuluyan na itong mamatay, dahil hindi naalagaan, hindi nadiligan at hindi naingatan. Sabi ng iba masarap makatagpo ng taong mamahalin ka ng wagas, ng buong puso. Yung araw-araw para sa inyo, pag aari nyo ang mundo. Masaya lang..... Masaya lang.... Masaya lang na natatapos din. Na isang araw di mo alam magsasawa din sya, at maghahanap ng ibang magpapasaya sa kanya. Na kahit ginawa mo na siguro lahat lahat, iiwan kapa din. At sasabihing KULANG KA. NakakaTANGA diba??...Paulit ulit na sakit, paulit ulit na paasa. Paulit ulit na bugbog ang puso mong ang tanging kasiyahan lang naman ay mahalin ka at manatili sya. Pero kaya paba? MAGMAMAHAL KAPA BA? KUNG ALAM MO ANG SAKIT AY PAULIT ULIT NA. ------------------------------❤️-------------------------------All Rights Reserved
1 part