Hindi alam ni Pamela Nepomuceno kung bakit hindi siya pinapansin ng kaklase niyang si Timothy Razon nang makatabi niya ito ng upuan noong unang araw ng klase nila. Maganda naman siya, galing sa prominente at sikat na pamilya, walang BO at mabango naman ang hininga niya, pero OLATS pa rin. Dahil sa pandededma na ginagawa sa kanya ng lalaki ay nainis siya rito. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay mayroon siyang natatanging pagtingin sa guwapo pero iyon nga lang ay supladong si Timothy. At nakaramdam pa siya ng di-maipaliwanag na selos nang tingnan niya ang Facebook account ng lalaki at makitang may kahawak-kamay itong babae sa isang larawan. Di hamak na mas maganda naman siya sa kasama nitong iyon. PERO BAKIT NGA BA HINDI SIYA NITO PINAPANSIN? Hanggang sa natuklasan niya ang dahilan nang nakasabay niya itong magsimba... In words, love can be read. In actions, love can be measured. But others don't know that even in silence… love can be heard. And I’m glad you heard mine.
11 parts