BLURB: Adrianna Alarcon is a mother of two children. Para sa kaniyang dalawang anak, gagawin niya ang lahat. Kaya naman nang maghiwalay sila ng kanyang dating asawa, ay siya na ang mag-isang bumuhay sa mga ito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagsara ang kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Kaya naman, nang mabasa niya sa isang ad sa diyaryo ang paghahanap ng isang personal assistant ng isang kilalang tycoon sa bansa, ay sinunggaban niya na agad ito. Namasukan s'ya bilang isang personal assistant ng nag-iisang Lancelot Reign Buenamira, ang kaniyang boss na halos araw-araw yata ay galit sa mundo. But it turned out, na may pagtingin pala ang lalaki sa kaniya, kaya palagi siya nitong inaaway. Nang magtapat ito sa kaniya ay doon na nagsimula ang kanilang istorya. Ngunit hindi pa man nagtatagal ang kanilang umuusbong na pag-iibigan ay muling bumalik ang kaniyang dating asawa. At ayon dito ay kasal pa silang dalawa. Ang tanong, magkabalikan pa kaya sila? O baka naman, a whirlwind love story that she and Lance have for each other would last forever? Or it is just another "experience"?