Sabi ng karamihan may mga tao talagang pinagtagpo pero hindi tinadhana. Kung baga pinakilala lang sila sa isat isa.
Marahil ang taong iyun magdadala ng aral, pwedeng makasakit siya sayo, pwede namang maging maganda siyang alaala sayo, etc depende sa kwentong nasimulan mo.
May mga bagay talaga na akala natin nakalimutan na pero iyon pala habang lumilipas ang mga araw,buwan at taon dala.dala mo pa rin.
Sinabi mo sa kaniya na kalimutan kana niya e ikaw pala itong hindi makalimutlimot.Sabi mo iwan ka na niya sa kabanatang iyun eh ikaw pala itong hindi makaiwan-iwan.Sabi mo mag move on na siya,pero ikaw pala itong hindi maka move on.move on.
Isa si Gallery sa mga taong nilalamon ng nakaraan niya. Though nakakaranas siya ng napakaraming biyaya ng Panginoon, pero minsan talaga pinupukaw siya ng mga kabanatang dapat ng kalimutan.
Si Ralph, ang taong pinahalagahan niyang blessing yet ibinalik niya sa Panginoon.
"Mahal kita Ralph, pero hanggang sa kabanatang ito na lang siguro, kalimutan mo na ako, you deserve the best."
Ang mga salitang kahit masakit sa kaniya pero kelangan niyang sabihin.