Synopsis:
" Iiwan ko muna sayo si Arthur, Chlea. "
- Aileen
" Hindi mo alam kung anong ginagawa mo Aileen! Wag mong ipagpalit si Arthur sa America kung talagang mahal mo sya! "
- Chlea
Sa pag-alis ni Aileen, isang puso ang mangungulila.
" Tama na yan Arthur, naparami ka na ng inom. "
- Chlea
" Tara! Inom pa! "
- Arthur
At pag ang isang puso ay wasak,
" Chlea, yung nangyari kagabi, ahm... "
- Arthur
" Arthur, buntis ako. "
- Chlea
May mga pagkakamaling hindi maiwasan.
Sa pag daan ng panahon,
Maghihilom unti unti ang mga sugat
" Chlea, Will you Marry me? "
- Arthur
Pag-ibig ang gagamot sa pusong sinugatan ng kahapon.
Ngunit sa pagbalik ng nakaraan
" Panahon na para makilala mo ang Daddy mo baby. Babalik na tayo ng Pilipinas. "
Aileen
Nakahanda kaya ang kanilang mga Puso para sa isang Gyera?
Magsisimula na ang kwento ng Hindi pangkaraniwang agawan,
Hanggang saan nila ipaglalabang ang kanilang Pamilya?
Pag-ibig?
At
Karapatan?
Ito ang kwento ng hindi pangkaraniwang agawan ng
Ama.
Ng Asawa.
Ng Pamilya.
Sino ang mas may Karapatan?
Ang una mong minahal?
O
Ang taong sayo ay unang nagmahal?
Who...
Will...
Be...
THE BETTER LOVER
®All Rights Reserved 2019
Hindi pa man siya umabot ng isang linggo sa trabaho niya bilang sekretarya ng C.E.O ay fired na agad siya dahil hindi niya natimpla ang kape nito bago pa ito dumating sa opisina.