this story is about a young lass who witnesses about failed relationship of her older sisters Ameriah and Ariella. Nang dahil nga saksi si Arkiela sa mga naging relasyon nila. May takot itong matulad sa mga ate at mama. Kaya naman ayaw nitong magkaroon ng boyfriend,sinumpa sa sarili at itinaga sa bato. Kahit sa hangin ay ipinangako nito na ayaw niya magka boyfriend.
Nakatingala ako sa langit at bumuntong hininga. Malalim ang iniisip.
"Arki, ok ka lang ba?" Si mama
"Ah ... Eh... O....o-opo mama" Sabi ko.
"Anong iniisip mo anak?" Tanong ni mama.
"Wag nyo na po akong alalahanin ma, ayos lang po ako. Kaya ko ang sarili ko."
Sabi ko kay mama kahit hindi naman talaga.
Naku arki ha! hindi ko gusto ang nangyayari sayo,iha! nag aalala ako sayo.
Im okey ma. Dont worry,im fine ..... I'll be fine (pabulong kong sabi)
"Sabi nila, kapag nakaramdam ka daw ng kabog sa dibdib, para kang nasa langit, di mo maipaliwanag ang lukso ng damdamin, mas nagkakakulay ang paligid mo, mas nagiging positibo ang pananaw mo sa buhay kahit pa may mga problemang dumating,kaya mong lampasan dahil pinapatatag nito ang sarili mo at ang tawag nila dun ay Pag-ibig. Masaya naman ang pamilya ko, wala naman akong nakikita o nalalamang problema ni mama at papa."
hanggang isang araw, may pagtatalo si mama at papa.
"At saan ka naman pupunta Ramon?" Sa magaling mong kabit?
Laking gulat ko nang marinig yun kay mama. Di makapaniwala sa sinabi.
Dire diretso lang si papa habang dala ang bag na siguro ay mga damit ang laman.
Tinignan ko lang sya dahil sa mga oras na yun, di pa rin makapaniwala. Humahagulhol ng iyak si mama,halos lumuhod at ikamatay nya ang pangyayaring yun.
Wala na Ang dating ako na masiglahin, positibo sa buhay, easy go lucky. Nagbago na nga ako.