Lumaking sanay sa hirap si Gabrielle Ramirez kaya hindi maipagkakailang kayang-kaya niya ang anumang trabaho,pang-babae man o pang-lalaking gawain.Kilala siya sa probinsiya nila bilang masipag at palabang babae dahil anumang laban ay hindi niya inuurungan ngunit nang mamatay ang kaniyang ina ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.Labis siyang nalungkot dahil hindi man lang niya natupad ang pangako nito sa ina na ipapalasap ang magandang buhay bago ito mamaalam sa mundo.Kaya naman ng mamatay ito ay doble-doble ang trabahong pinapasukan niya para lang mapag-aral ang kapatid nito ngunit hindi sapat ang kinikita nito kaya napagpasyahan niyang magtrabaho sa Maynila para sa inaasam nitong magandang buhay. Ngunit magugulo ang tahimik niyang mundo nang pumasok sa buhay niya ang isang nagngangalang Levi Axl Javier.Isang kilalang businessman at actor na sa unang tingin ay mala-Greek God ang kagwapuhan ngunit hindi lahat ng maganda ang panlabas na anyo ay maganda din ang panloob na anyo.Oo,tama ang iniisip niyo,dahil si Levi ay isang suplado at hindi uso sa kaniya ang mga salitang "sorry","please" na kung saan,once na magkamali ka,wala ka nang trabaho kaya sa pagpasok ni Gabrielle sa mansion ng mga Javier ay tila nakahanap siya ng katapat.Halos araw-araw ay para silang mga aso't pusa ngunit isang araw ay magigising na lamang si Levi sa isang katotohanan---- katotohanang ayaw niyang harapin. Paano kaya haharapin ni Levi ang katotohanan na iyon? Ano kayang paiiralin niya? Ang isip niya o ang puso niya? Coffee Prince ©iamellekim Started: March 23,2020 Finished: Published on: March 26,2020