Paano kung ang Romance Novel na ginawa ng isang ateismo ay magkatotoo sa tunay na buhay? Is it a curse or a destiny? Si Hyacinth ay palaging nananaginip kay Draven Black-isang ateismo na ginulantang ang sistema niya sa panaginip. At ang malala, sa ilang beses na palagi niya itong napapanaginipan, unti-unti niyang minahal ito na ninais niyang gawin ang lahat at mangarap na maging sila ni Draven. Si Claude naman ay ang kaibigan ni Hyacinth, isang ateismo rin at manunulat. Ang lalaking kahit kaaway ang turing sa kanya dahil magka-klase sila nito mula pagkabata, ay minahal niya ang dalaga. Gagawin niya ang lahat, susuyuin niya ito at paiibigin upang mapasakanya si Hyacinth. Nahihirapan si Hyacinth sa dalawa. Kasi ang pangarap ni Hyacinth ay nagkatotoo. Totoong nag-e-exist ang man in dreams niyang si Draven Black subalit sa panahong nagpakita ito, unti-unting nahuhulog ang puso niya kay Claude. Sino ang pipiliin ni Hyacinth, ang lalaking pangarap niya at minahal niya o ang lalaking kumatok at nakapasok na nang tuluyan sa puso niya? "Sa nakaraang linggo, mas lalong nag-iiba ang ritmo ng puso ko sa t'wing ngingiti si Claude sa 'kin. Tila immune na ako at aminado akong malaki ang epekto no'n sa 'kin sapagkat hindi ako makatulog nang maayos sa gabi. At dahil nga hindi ako makatulog sa gabi, mas lalo ko rin namang nami-miss si Draven Black. Nais kong mapanaginipan ulit ito, mahawakan, at sa puntong iyon ayoko siyang bitawan o mas nanaising doon na lang ako mabuhay sa mundo niya kasi sa t'wing gigising ako, maliban sa panget ang buhay ko, ginugulo rin ako ni Tadhana kung sino ba ang lalaking mamahalin ko."-Hyacinth Pigar Abangan. . . Your author, SilentClaude6666 Please follow me also on wattpad (SilentClaude666@wattpad.com)Todos los derechos reservados