AVAILABLE ON DREA ME! "Magpapahinga lang ako pero hindi ako susuko." John Ainsley Molde Love Apat na letra, iisang salita, madaling bigkasin pero maraming nagkakandarapa. Madaling alamin pero maraming nababaliw. Salitang madali sa paningin pero napakalalim ang ibig sabihin. Pinakamalakas na elementong nabubuhay sa buong mundo. Hanggang may tao may pagmamahal, hanggang may buhay may pagmamahal. Pero paano nga ba nasusukat ang pagmamahal mo sa isang tao? Dun ba yun sa mga materyal na binibigay niya sayo? O sa pinaparamdam mo ng buong buo? Sa pagkakamali ba nasusukat para mawala ang pagmamahal na meron ka sa isang tao. Sabi nga Once is enough, twice is to much. Pero paano sa mga taong nagkamali lang naman sa una pero handang magbago para ipakita ang pagmamahal niya sayo ay nasasaktan mo na dahil sa paghihiganti mo. Ganon ba dapat yun? Kailangan mong makita siyang nasasaktan? Kailagan mo siyang makitang mahihirapan? Kailangan mo siyang mapaghigantihan? Hindi bat ang pagmamahal ay ang marunong kang pagpatawad at makalimot? Forgive and Forget. Paano kayo makakausad kung sa pagkakamaling yun ay nakakulong na kayo. Sa galit ay nagpapakalulo? Ang Ama nga na nagpapako sa Krus para sa pagbabayad sa kasalanan ng tao ay nagpatawad sa kanyang anak na halos maging demonyo sa kasamaan. Masyado tayong nagpapakulong sa galit at puot na hindi natin namamalayan ay nakakasira na ng tuluyan. Kapag mahal mo, patawarin mo. Kapag mahal mo, handa kang kalimutan ang kasaluyan para sa kinabukasan. Kapag mahal mo, hindi mo sasaktan. Kapag mahal mo, hindi ka magdadalawang isip magpatawad. Maraming nababalot ng galit sa puso nila para sa isang tao. Yung tipong yung galit na mismo ang kumokontrol sayo. Hanggang na ito na talaga ang nagdidikta sa buhay mo. Dahil wala ng sasakit pa sa katotohanang. Nasayo na, pero pinakawalan mo pa. Wag kang tanga. "Ayoko na." Yna Marie Del RosarioAll Rights Reserved