Alam ni Georgette na siya ang huling babaeng papasok sa isipan ni Zrael kung ang pag-uusapan ay makakasama sa buhay. Hindi nga ba at noong lang sa mismong kaarawan nito ay tinawanan lang nito ang tsismis na narinig ukol sa lihim niyang pagsinta dito? Kaya naman ganoon na lang ang gulat niya nang halos maglumuhod ito sa harapan niya upang isuot niya ang engagement ring na ibinibigay nito. Subalit dagli ding napalitan ng nag-uumapaw na inis ang pagkagulat niya nang ipaliwanag nitong magkukunwari lang pala silang engaged para tantanan na ito ng matchmaker nitong lolo.
Ani pa nito kung iyong mga karaniwang nakakarelasyon daw kasi nito ang ipapakilala nito sa lolo nito ay hindi maniniwala ang matanda na seryoso na ito at nagbabalak talagang magpakasal. But by introducing her as his fiancee, someone who was the exact opposite of his gorgeous and sexy bevy of women, his grandfather could only believe it was really true love that prompted him to look beyond her unattractiveness. Sa madaling sabi, sa opinyon nito ay siya ang Beast sa Beauty nito kaya dapat ay maniwala ang lolo nitong pang-fairytale nga ang lovestory nila.Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang