Ang tunay na pag-ibig ay marunong maghintay. Umuunawa, nagsasakripisyo. Abutin man ng kung anong unos at pagsubok, ang wagas na pagmamahal ay hindi susuko. Maglalakbay ang pusong naghahanap ng kanlungan. Abutin man ng ilang taon at pag-iiba ng panahon, mananatiling umaalaba ang tunay na pagmamahal. Si Ron at Amy... dalawang pusong pinagtagpo, pinaghiwalay at sinubok ng tadhana. Masusuklian ba ang pag-ibig na inialay noon matapos masugatan ang puso?