Alamat ng Paruparo Kwento ni Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Leo Alvarado Noong unang panahon, may isang haring umibig sa isang diwata. Sinuway ng dalaga ang ama nito at tinanggap ang pag-ibig ng haring mortal. Dahil doon, pinarusahan ang magsing-irog. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng ama ng diwata, nabago ang anyo ng dalaga at naging isang bulaklak. Ang hari ay naging isang makulay na insekto-na hanggang ngayon ay walang tigil sa paglipat-lipat sa mga bulaklak sa paghahanap ng dalagang nililiyag. Basahin sa makabagong alamat na ito ang pinagmulan ng paruparo, at kung bakit ang sinumang taong umiibig ay laging handang magsakrispisyo.