25 parts Ongoing Minari De Llano, kilala na abogado de campanilla pero mas kilala sya bilang isang hustler na marksman ng pamilyang De Llano. Nakapagtapos ng abogasya sa unibersidad ng De Lasalle, top 1 sa bar exam. Walang kaibigan ang dalaga maliban na lamang sa mga matataas na kalibre ng baril na lagi nyang hawak-hawak at palaging pinupunasan para di kalawangin. Simula ng makapasa ito ay marami agad itong naging kliyente, at sa maikling panahon ay marami na din itong naipanalo na kaso. Laman na ng balita ang pangalan nito, animo'y asukal si Minari at palagi itong dinudumog ng mga kliyente at kadalasan sa mga ito ay high profile na mga kriminal.
She is a successful career woman pero zero ang love life, dahil kahit kailan di sya naniniwala sa pag-ibig.
Until such unfortunate event in her life, dahil sa isang aksidente ay napunta at nagising na lang sya sa panahon ng kastila. Kung saan kokonti ang mga karapatan ng mga kababaihan, paano nya ipaglalaban ang kanyang karapatan bilang babae, at paano nya magagamit ang kanyang pinag-aralan sa lugar at panahon na sinisikil ang kalayaan at karapatan ng mga kababaihan? Paano makakapag-adjust ang isang Minari De Llano bilang isang Cassandra Emilia Felomina Estevez? At lalo na sa pangungulit ng isang Luciano Percival?