Sa isang komunidad may mga tao talaga na pinagpala sa lahat nang bagay. Sa panlabas na kaanyuan, Sa pag-ibig, Sa estado nang buhay, Sa mga kaibigan at kung ano-ano pa. Yung isang kumpas lang ng iyong kamay nandyan na agad ang gusto mo. Isang salita mo lang dadating na agad ang tagasunod mo. Pinagpala ka talaga ano? Walang problema sa lahat nang bagay. Ang problema mo lang ay kung anong gagawin mo sa maghapon. Ang sarap siguro nang ganung buhay. Ngunit mayroon pa rin talagang minalas sa lahat. Yung tipong Malas ka na nga sa panlabas na kaanyuan, Malas ka rin pala sa estado nang buhay, Minalas ka rin sa pag-ibig, at kahit sa kaibigan kinamalas-malasan talaga. Subalit kahit na ganoon ang mangyari. Hindi naman tayo pwedeng magpatinag na lang basta-basta. Dahil hindi naman 'yun sapat na dahilan upang maging mahina. Hindi naman talaga ako ganun kamalas. Sadyang hindi lang ako pinagpala sa lahat nang bagay na me'ron sya at sa'kin ay wala. Pero kahit ganoon ay alam kong swerte naman ako sa Pamilya at Kaibigan. Pero paano na lang kung kahit anong lakas nang loob ang gawin ko. May pa-epal lang talaga?. Yung tipong ipapamukha sa'yo na Malas ka at Sya Ay swerte? Nakakagigil di ba?. Dahil konting konti na lang talagang hindi na ako makakapagtimpi pa.GG ako!. At dati akala ko kuntento na ako. Kuntento na ako sa kung anong meron ako. Pero hindi pala, Nakuntento lang ako nung una pero nang makilala ko sya? Nanliit na lang ako bigla. Ang hirap lang nya abutin. Masyado s'yang mataas. At ako? Na sa pinaka ibaba. Kung kaya naman hindi ko na lang sya aabutin dahil alam kong masasayang lang din. Kahit na sya lang ang gusto kong mahalin. Dahil kahit anong hiling ko hindi rin naman matutupad. Kaya mabuti pang makuntento na lang sa isang pangyayari na alam naman natin yun lang ang pwedeng mangyari. Walang dagdag pero yung may Bawas. Siguro kailangan ko na lang talaga na makuntento sa kung anong meron Sya at Ako.