The Billionaire's Weapon For Revenge
15 parts Ongoing MatureEliezer Joaquin Valmont- isang pangalan na kilala sa buong bansa dahil sa taglay nitong yaman at kapangyarihan. Isang lalaking sanay na makuha ang gusto niya... maliban na lang sa puso ng dati niyang nobya na si Lucille. Matapos siyang iwanan nito, nabuo ang plano niyang paghihigante. Gusto niyang maramdaman ng kanyang dating nobya ang sakit na naranasan niya kaya sasaktan niya ang taong pinakamalapit dito. At upang maisakatuparan iyon, kinailangan niyang gamitin ang pinakamatalik nitong kaibigan at pinsan. Gagamitin niya ang pag-ibig nito para sa kanya upang makapaghigante kay Lucille Aragon.
Mayumi Aragon-isang inosenteng babaeng walang ginawa kundi ang magmahal ng tapat. Maraming lalaki ang nagkagusto sa kanya ngunit binalewala niya ang alok na pag-ibig ng mga ito dahil lihim siyang umiibig sa nobyo ng kanyang pinsan at matalik na kaibigan. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na siya naman ang pinili. Ang akala niya'y isa na itong tunay na pag-ibig. Pero ang hindi niya alam, siya pala ang sandatang gagamitin sa isang planong puno ng kasinungalingan, pagkukunwari, at paghihiganti.
He is a man of power and a man with a hidden agenda. At the same time, she is a girl with a pure heart, not meant to be loved but to be exploited.
Who will win in a game where hearts are both weapons?