Official Entry For #TSIYWIOSSMC Round 3 Nabundol ng isang rumaragasang sasakyan si Sunny isang gabing pauwi siya. Si Aizen, ang nagmamaneho ng sasakyan, ang nagdala sa kanya sa ospital. Matapos ang aksidente, palagi na siyang binibisita ng binata sa coffee shop na pagmamay-ari niya at hayagang ipinapakita ang pagkagusto sa kanya. Ngunit mayroon nang isang lalaki na nagpapangiti sa kanya. At isa pa na tunay na nagpatibok ng puso niya. Sino ang pipiliin ni Sunny?