Apat na araw na ang lumipas simula ng misteryosong naglaho si Jillian. Si Bryan, ang boyfriend niya, unti unti ng nasisiraan ng bait dahil sa matinding pagaalala at galit sa sarili dahil wala siya para maipagtanggol ang taong pinakamahalaga sa kanya. Dito na magsisimula ang mga kakaibang pangyayari. Abandonado na ang buong maynila at nababalot ng dilim at makapal na hamog nang magising siya sa isang aksidente. Kailangan niyang mahanap si Jillian sa kawalan bago siya mismo ang mahanap ng maitim na nilalang na sumusunod sa bawat yapak niya.