Ang Melva. Isang malaparaisong mundo para sa mga diwata't engkanto. Isang tahimik na lugar kung saan kabutihan at kapayapaan ang namamayani.
Subalit dahil sa isang masamang nilalang na si Zepiro, mawawasak ang kinikilala nilang tahanan. Magkakaroon ng trahedya sa Melva.
Sinakop nya kasama ang alagad nyang mga maligno't impakto ang Melva.
Gamit ang isang makapangyarihang itim na bato na kung tawagin ay Metaphist, natalo ni Zepiro ang hari ng Melva na si Melvior at nabihag naman nya ang reyna ng Melva na si Melissa. Nagawa namang makatakas ng anak nila na si Marine kasama ng pinuno ng hukbong kawal ng palasyo na si Leo.
Nakarating sila sa mundo ng mga tao.
Kailangan nila Marine na mailigtas ang buong Melva pero magagawa lamang nila ito sa pamamagitan ng apat na makapangyarihang bato ng elemento na kung tawagin ay Metaphor. Ang bawat metaphor ay kumakatawan sa bawat elemento nito. Apoy, lupa tubig at hangin.
Kailangan nila Marine at Leo na mabuo ang apat na kinatawan ng mga Metaphor na kung tawagin ay mga Metamorphosist na bubuo sa isang napakalakas na kapangyarihan. Ang METAMORPHOSIS.
Isa si Marine sa apat na nahirang ng Metaphor. Sya ang kumakatawan sa tubig.
Pero napakalaki pa rin ng problema nila. Nasa pangangalaga ng kalaban nila ang Metaphor ng lupa at hangin samantalang aksidente naman nilang naiwala ang apoy sa mundo ng mga tao nang sinubukan nilang tumakas.
Kailangan muna nilang mabawi ang lupa at hangin at mahanap ang apoy upang mabuo ang apat na natatanging nilalang na magiging kinatawan ng Metaphor.
Subalit maraming hahadlang sa kanila. Mga aswang, tiktik wakwak, manananggal, bampira at ang tatlong malalakas na alagad ni Zepiro. Sina Astaroth, Silva at Nexus.
Kailangan muna nilang talunin ang mga ito at mabuo ang apat na Metamorphosist upang mailigtas ang Melva.
Magtagumpay kaya sila?Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang