Akala ko okay na, na natagpuan ko na talaga yung "THE ONE" ko. Akala ko kami na talaga sa dami ba naman ng pinagdaanan at tagal ng pinagsamahan, umabot pa nga sa plano na kasalan. Pero wala pala tagala sa tagal ng pagsasama para masabi mo na kayo na, na kami na. Imagine more than FUCKING 10 YEARS na umikot ang mundo ko sakanya na akala ko kuntento na siya sakin na ako lang sapat na. Huh! totoo nga yung madami namamatay sa maling akala. Nasaktan ako, at patuloy na nasasaktan. Dahil hanggang ngayon hinde ko matanggap. Mahirap sobrang hirap. Yung akala mo lumalaban kayo pareho pero, ako na lang pala ang may gusto.