Mula't mula pa, isinumpa ko sa sariling hindi ko dapat mahalin ang anak ng isang kaaway... Allison Paige is a senator's only daughter. Nag-iisa kung legitimacy ang pag-uusapan bagaman open-secret naman sa madla na may ibang anak ang senador. Pero hindi apektado si Allie doon. She lived a wonderful life. Mula pa pagkabata, kahit ano ang gustuhin niya ay nakukuha niya. Kagaya na lang ang kagustuhan niyang mapasakanya si Marcus Torralba. At hindi siya nahirapang makamit iyon. She had become his wife. Wasn't it wonderful? Marcus mother was murdered while serving as municipal treasurer in Sto. Tomas. Malaki ang hinala ni Marcus na si Conrado Montero, ang nakapuwesto noong mayor ang nagpapatay sa kanyang ina. Natural na maraming alam ang kanyang ina sa nagaganap na pangungurakot sa pondo ng bayan. At hindi siya papayag na hindi mabibigyan ng hustisya ang kamatayan ang nanay niya. Gagawin ni Marcus Torralba ang lahat para makaganti. Sukdulang pakasalan niya si Allie upang gamitin sa balak niyang paghihiganti.