Ano nga ba kami? Mag kapitbahay, magkaibigan, minsan mag kaaway, kadalasan magkakampi, kakulitan, kalaro, sumbungan, takbuhan basta ang dami. Kaya lang di nila alam na sa munting mundo ko pinapantasya kong siya ang aking prinsesa at ako ang kanyang prinsipe. Kaya lang sa tinagal tagal namin kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Pero hindi ako torpe, sadyang manhid lang talaga ang Prinsesa ko.