Madali lang para kay Braixe Levi Colson ang mambulas at gawing katatawanan ang mga estudyanteng nag-aaral sa paaralang pagmamay-ari ng kaniyang mga magulang. Kaya niyang gawing miserable ang buhay ng mga estudyante sa oras na haharang ito sa kaniyang dinadaraanan. Pakiramdam niya ay siya ang batas sa kanilang paaralan. Pero may isang baguhang estudyante na hindi niya inaasahang kamumuhian niya nang husto. Si Akissha Fleur Cortez, isang mahiyaing babae at may pagka-nerdo. Sa kagustuhan niyang gawing miserable ang buhay ni Akissha ay nangyari ang di kapani-paniwalang insidente, ang magkapalit sila ng katawan. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? Hahayaan na lang ba nilang makulong sa magkasalungat na katawan? O gagawa sila ng paraan? Ang tanong, anong klaseng paraan?All Rights Reserved