Masyadong naging mahirap ang naging karanasan ng isang Kazumi Toshiko, matapos iwan at ipagpalit sila ng kaniyang Ina sa mayamang pamilya ay namatay naman ang Ama niya. Isa siyang simple at ordinaryong 18 years old. Sa kagustuhang makapagtapos kinailangan niyang lumapit sa kinilala niyang Ina at biglang nabago ang ikot ng mundo niya lalo na nang maka-ingkwentro niya ang limang lalake. Magagandang itsura, talino, talento, maraming pera, magagandang kagamitan, mayamang pamilya, pagmamahal sa isa't isa hindi na bilang kaibigan kundi kapatid at matibay na pagkakaibigan, kasikatan at pinagkakaguluhan ng mga kababaihan dahil sa personalities nila, kahit na may mga kayabangan, kasamaan, kaaway, at kagustuhang manakit ng damdamin ng iba, hindi iyon ininda ng mga babae dahil sa sobrang paghanga nila sa mga ito. Sila ang nagpatunay kay Kazumi na ang buhay ay mas may ihihirap pa. Pero si Kazumi naman ang susubok para sa tibay ng pagkakaibigan nila.