[SYNOPSIS:]
Isang hindi inaasahang aksidente ang magtatagpo sa landas ng dalawang tao-ah isang tao at isang multo pala, na may magkaibang landas. Teka, may inaasahan bang aksidente?
Anyways, wapakels kung meron man o wala. Ang mahalaga rito ay silang dalawa.
Silang dalawa na isang tahimik, bugnutin, walang pakialam sa paligid, at supladong tao; at isang maingay, masayahin, pakialamerang nilalang, at napakabait na tao-este multo. Total opposite right?
Pero mag-match na kaya sila sa paglipas ng panahon?
Magkasundo kaya ang isa't isa sa kabila ng pagiging total opposite nila, sa pisikal na anyo man o sa pag-uugali?
Maraming nakapaloob na lihim at mabubunyag na sikreto (wait, lihim na nga sikreto pa? seriously, author?), maraming kasangkot na tao, at marami ring madidiskubre.
Kung naguguluhan kayo, pwes basahin niyo na lang 'to. Dahil ang malinaw lang rito ay siya ang kanyang THE GHOST WHO GHOSTING AWAY.
Kaya umpisahan nang MA-GHOST, mga NAGHOSTING! Dahil dito niyo malalaman ang totoong kahulugan ng salitang 'GHOSTING'.
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as you read this work. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.