NAPUNO ng hinanakit ang puso ni Asyneth simula ng ipagpalit siya ng kanyang kasintahan sa isang babae na may asawa na. At dahil sa nangyari, natuto siyang uminom ng alak... Halos araw-araw ay pumupunta siya sa bar upang lunurin sa alak ang kanyang sarili. Hanggang sa may nakilala siyang lalaki sa bar. Na kagaya niya, ay sugatan rin ang puso. At dahil siguro may tama na siya ng alak ng gabing iyon ay niyaya niya itong maghiganti. And it was the sexiest revenge ever...