Congratulations! You have passed the scholarship examinations of Sora Academy: School for Gifted Children. ~•○•~•○•~•○•~ Ang Sora Academy ay isang sikat na prestihiyosong eskwelahan. Bantog ang paaralan na ito sa napakagandang kalidad ng pagtuturo. Sa taas ng standards nito, kahit ang mga mayayaman ay hirap ding makapasok dito. Isa lang akong simpleng mag-aaral mula sa isang maliit na barangay school sa probinsya. Halos sapat lang ang pera para mabuhay; may mailalaan pa ba para magpa-tutor? Sinong mag-aakala na mapapasa ko ang tila imposibleng entrance exams ng Academy? Nakatanggap pa ako ng scholarship! Karapat-dapat ba talaga ako sa paaralang ito? May lugar ba ako sa "School for Gifted Children". Jusko! Ang entrance exams pala ay maliit lang na patikim sa mas mahirap pang mga pagsubok na darating! Pero... Dito ko kaya mahanap ang magpapahilom ng mga sugat ko mula sa nakaraan?