Alamat ng Dugong
Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr.
Guhit ni Frances Alcaraz
Noong unang panahon, sa isang isla sa isang sulok ng mundo ay may mga naninirahang katutubo na tinatawag na "Dugo." Taliwas sa taguri sa kanila kahit kailan ay hindi nagkaroon ng pagdanak ng dugo sa kanilang isla. Hindi naimulat sa kanila ang mga salitang "away," "sigalot," "digmaan," at mga salita na nakapagdudulot ng mga alitan sa kapwa.
Dahil sa kanilang kabutihang-loob, tinanggap ng mga Dugo sa kanilang isla ang dalawang pangkat ng mga dayuhan upang doon manirahan. Hindi naglaon, nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawang pangkat. Upang makaiwas sa labanan, tumakas ang mga Dugo at nagkanlong sa ilalim ng dagat.
Alamin sa makabagong alamat na ito ang pinagmulan ng dugong at ang kahalagahan ng pagiging bukas-palad, mapayapa, at magiliw sa ibang tao.