"Maghanda ka sa paparating na bagyo- at mahuhulog ka sa gitna nito. Ilang taong pangungulila sa kanyang asawa, gagawin lahat ni Markus ang lahat upang maibalik lang ang oras at mahagkan muli ang pinakamahal niya. Manhid at walang takot sa kung ano mang dalhin sa kanya ng kapalaran, tinahak niya ang isang paglalakbay kung saan ang kanyang misyon ay hanapin ang may dahilan kung bakit hindi niya kapiling ang kanyang asawa sa mga oras na ito, si BATHALA. Hiling o sapilitan, nasa loob niya ang tapang at kagustuhang ibalik at makapiling muli ang minamahal niya. Ilang linggo ang nakalipas simula ng paglalakbay, walang anu mang balita o nakatanaw kay Markus. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang kanyang dalawang anak, sina Alastair at Bea, ay sisimulan din ang kanilang sariling paglalakbay mag kasama upang mahanap at alamin kung anong nangyari sa kanilang ama. At sa paglalakbay, matutuklasan nila ang sikreto ng mga nakaraan at mga istorya na may bahid ng katotohanan na pilit binabaon at hindi pinaniniwalaan ng mga tao sa ating kapanahunan: kasama dito ang mga mitolohiya, mga nilalang, alamat, at lahat ng mga bagay na itinuturing na hindi totoo. Dito rin nila matutuklasan ang paparating na bagyo at hidwaan ng Kaluwalhatian at Kasamaan- at sila'y mahuhulog sa gitna nito. Isang nakakatakot at kahanga-hangang paglalakbay ang naghihintay. Sa mahabang panahon, ang mga Diyos ng Pilipinas ay tahimik na nagbabantay at gumagabay. Ngayong sila'y makikilala mo na, ihanda ang iyong sarili sa kagila-gilalas na kakayahan ng mga ito, at ang kanilang tunay na layunin."
18 parts