Isang babae na nagngangalang Mikaella Rayn Villanueva. Inosente, mabait at sa higit sa lahat ay maunawain. Kinagigiliwan ng karamihan. Ngunit may isang taong hahadlang sa lahat ng mga pangarap nya. Taong hindi siya hahayang magtagumpay. Taong nangako sa sarili na hangga't nabubuhay siya, hindi niya hahayaan na mamuhay ng masaya at normal si Mikaella. Sa paanong paraan kaya malulusutan ni Mikaella ang mga panganib na dinadala ng taong gustong manakit sa kaniya? Sa paanong paraan ka niya masusulusyunan ito? May magagawa pa ba siya para rito? Kaya pa ba niyang baguhin ang paniniwala ng taong ito?