Restless Heart

Restless Heart

  • WpView
    Leituras 403
  • WpVote
    Votos 23
  • WpPart
    Capítulos 17
WpMetadataReadMaduroEm andamento
WpMetadataNoticeÚltima atualização ter, mar 16, 2021
WpInfo
Ficção
Romance
Prologue Si Domenick ang best friend niyang lalaki sa College, at ang kauna-unahang lalaking nagpagising sa kanyang pagkababae, dahil hindi pa niya naramdaman iyon maski sa kababata at sa ultimate crush niya noong high school. Hindi niya alam kung paano niya pananatilihin ang pagkakaibigan nila at itago ang personal niyang nararamdaman. Paano siya iiwas kung mismo ang pagkakataon ang gumagawa ng paraan upang mahulog siya ng tuluyan dito. Mas mananaig ba ang pagkakaibigan o bibigyan niya ng puwang ang pag-ibig. Para kay Domenick, gagawin niya ang lahat maprotektahan lang ang babaeng pinaka-importante sa kanya, si Sophia. Ang tangi niyang pangamba ay balikan siya ng kanyang nakaraan. Saan niya mas masisigurado ang kaligtasan ni Sophia, ang lumayo o mananili. ~♡~☆~♡~☆~♡~☆~♡~☆~♡~☆ Excerpt: Nang marating nila ang bahay ni Domenick ay nagyaya si Sophia sa kuwarto nito. Natakot si Domenick sa kung ano mang balak ni Sophia. Natuto na siya sa kanyang pagkakamali kay Sheila at ngayon ay gusto niyang gawing tama ang lahat, na saka lang siya makikipagniig sa kasintahan ay kung makasal na sila. Pinigilan ni Domenick si Sophia sa kanyang balak pero mapumilit si Sophia habang hila-hila ang kanyang kamay. Pagpasok nila sa kuwarto ay pinigilan siya ni Sophia na buksan ang ilaw nang takpan nito ang mismong switch ng ilaw kasabay ng pagdampi ng labi nito sa kanya. Napakalambot ng mga labi ni Sophia, idagdag pa ang banayad na paghawak ni Sophia sa kanyang mukha at dahan-dahan na bumaba sa kanyang dibdib at pababa sa kanyang tiyan na nagdudulot ng kakaibang init sa kanyang katawan. Hindi maaari ito, ang sabi ng isip niya, ayaw niyang pahamakin at dungisan ang nag-iisang babaeng pinapahalagahan niya. Pinigilan niya ang sarili at inihinto niya ang pag-halik kay Sophia nang biglang buksan ni Sophia ang ilaw at sabay-sabay na sumigaw sila Mark, Chris, Alex at Elise ng "Happy Birthday!"
Todos os Direitos Reservados
Junte-se a maior comunidade de histórias do mundoTenha recomendações personalizadas, guarde as suas histórias favoritas na sua biblioteca e comente e vote para expandir a sua comunidade.
Illustration

Talvez você também goste

  • Del Fuego Series 3:The Dangerous Beast (COMPLETED)
  • A Lot Like Love (To Be Published Under PHR)
  • My Heart's Angel (Completed)
  • Home is Where the Heart Is (UNEDITED & COMPLETE)
  • Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
  • [Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid Princess
  • Canvas Of Us
  • Without You
  • Elite Sorority Series 1: Sassy Prosecutor

"I dont do love, Maddy. I do fucking." Nagulat ako sa sobrang bulgar ng mga salita niya ngunit hindi ako nagpahalata. "Then atleast make love to me." determinadong wika ko. If I cant get his heart, well atleast I can feel how to make love to him Im too desperate. I want him. I want his love. Bigla siyang tumawa ng mapanuya kaya natigilan ako. "You dont get it, dont you?" aniya. Hindi ako sumagot kaya muli siyang nagsalita. "I dont do love, if we're going to have sex, it was purely fucking. And fucking is different with love making." sarkastikong wika niya habang seryoso ang anyo. Nasaktan ako. Parang pinilipit ang puso ko. It hurts! Ngunit kita naman ngayon sa mukha niya na wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. "And for the record, I cant love someone who killed my girlfriend." patuloy niya na mula sa seryosong anyo ay naging mabalasik iyon. Napalunok. I am guilty. Not because I killed her but because I am the reason why she died. "B-But you're p-protecting me." "I am doing my job." Damn! I wanna shout at him, curse him and slap him. Ang sakit. Ang sakit ng harap-harapan niyang sabihin sa akin lahat ng iyon. Ang sakit na harap-harapan niyang ipamukha na trabaho lang ang ginagawa niya. Para bang wala akong pakiramdam kung magsalita siya ng ganon. And this fucking heart is aching.

Mais detalhes
WpActionLinkDiretrizes de Conteúdo