#nobelanima'am Simpleng babae lang si Faith at may malaking pangarap sa mga bata sa bahay ampunan. Lahat ng oras niya ay inialay niya sa mga bata sa ampunan at higit sa lahat ang ibigay ang pinakamahusay na paglilingkod sa Panginoon. Naniniwala siya na ang pinakamabisang patunay ng kaniyang pag ibig sa Diyos ay ang pagiging mabuti sa kapwa. Dahil dito maraming humahanga sa kaniya sa iniaalay niyang dedikasyon kahit p hindi suportado siya ng kaniyang ama. Si Paul, namana ang dedikasyon niya sa trabaho sa kaniyang ama. Napakasipag. Lahat gagawin magkaroon lamang ng lubos lubos na kapangyrihan kahit pa kalaban ang batas. Wala sa bukabularyo niyang umibig dahil alam niyang walang iibig sa katulad niyang demonyo. Nilamon n siya ng maling sistema ng mundo. Silang dalawa ay pagtatagpuin ng mapanghamon at mailap na mundo. Ang magkaibang mundo ba nila'y mapag iisa sa ngalan ng pag ibig? #The Demon's AngelAll Rights Reserved