R-18 Dumating na ang pinakahihintay ni Savi. Ang iwanan ang mapusok na naging mundo. Sa loob ng ilang taon, hindi rin naman niya kinahihiya ang pagiging isang Sugar Baby. Naniniwala kasi siyang... basta walang tinatapakan na tao ay okay lang na kahit ano ang paraan ang gamitin para mabuhay sa laro ng mundo. And besides, she enjoys sex. Habang tinatalikuran na ni Savi ang tamis ng mundo ng sugar dating, ay isa-isang bumabalik ang mga tauhan sa kanyang nakaraan. Pinamumukha sa kanya ang marangyang buhay na isinusuko niya at na walang magseseryoso sa isang babaeng katulad niya. Nang biglang dumating siya... Ang lalaking sumagip sa kanya... Doon nagsimula ang mga katanungan sa sarili... Kung tama ba ang mga naging desisyon niya noon? Kung karapat-dapat ba talaga siya para rito? At kung handa nitong tanggapin ang kanyang nakaraan? Dahil sa unang pagkakataon dumating ang pinakahihintay ni Savi.