Isang pangako ng kamusmusan ang pilit niyang kinakalimutan. Gaya ng gasgas ng linyang "promises are meant to be broken", alam niyang ang pangakong binitiwan ng isang binatilyo ay walang kasiguruhan. Alam niyang hindi niya dapat panghawakan ang pangakong iyon. Ngunit bakit iba ang sinasabi ng kanyang puso? Magagawa bang pagtibayin ng munting butil ng pag-asam ang patuloy na pagyakap sa pangakong binitiwan, o sa paglipas ng panahon ay tuluyang kalilimutan ang isang pangakong walang kasiguruhan? Para sa ala-ala ng nag-iisang Martha Cecilia. Ito ay bunga ng aking pangungulila sa obra niyang Kristine Series na siyang nagbigay buhay sa lahat ng emosyong mayroon ako ngayon.