Anak araw ang bansag sa akin tulad ng aking Ama na tinaguyod ako buong buhay niya. Alam ng Maykapal kung gaano ko kamahal ang aking buhay sa kabukiran ng Padayon bakit pa raw ako mangangarap ng buhay sa Las Palmas. Alam ninyo kasi nangarap ako maging isang manunulat. Ngunit nais kong malaman ang buhay sa isang siyudad ng Las Palmas. Na hindi lang ako isang Anak Araw. Magpopokus ang kanyang akda kay Latoya Daez mabawi nito ang kanyang kapatid sa tulong ng kanyang mga tapat na kaibigan na sina Gerald Garcia, Carlota Bernal, at Crisanto Cayabyab. Hindi niya maipagkakaila na guminhawa ang buhay niya at ng kanyang Amang nawalay sa kanya dahil sa pagsusulat. Unti-unti rin ay napapagtanto niyang may pagkakatulad ang kanyang hinabing istorya sa mga kaganapan ng kanyang buhay mula ng makilala niya si Joaquin Pacifico na isa sa anak ng inatasang Cabeza de Barangay. Sa katagalan ng kanyang pananatili sa Sentro ng bayang Las Palmas unti-unti ay naaapektuhan ang kanyang hinahabing akda hanggang sa puntong nagiging komplikado na maging ang buhay niya.All Rights Reserved
1 part