Ang hirap kapag hindi mo masabi-sabi sa taong mahal mo na mahal mo sya. Nakakatakot kase na baka bigla ka nalang nyang iwasan kapag nalaman nya na minamahal mo na pala sya. Pero mahirap din na itago ang nararamdaman, mas lalo na kung gusto mong ipakita at iparamdam sa kanya kung gaano sya ka-espesyal para sayo. Ang problema, hanggang tingin nalang talaga. Para kang isang bituin sa kalangitan na mahirap abutin man lang. Hanggang dito na lamang ba talaga? O ipapaalam ko na sayo na minamahal kita?