Isang - daang taon ang nakalipas simula ng mamatay ako at pagbintangan sa kasalanan na hindi ko naman ginawa Isang- daang taon akong nahimlay sa lugar na walang nakakaalam kung hindi ako Isang - daang taon akong mag-isa, sa malamig at malungkot na kabaong Ngunit sa loob ng isang - daang taon na iyon hindi ko aakalain na mabibigyan pa ulit ako ng pagkakataon. Pagkakataon na maranasan ang mga bagay na hindi ko naranasan noon. Tama ba na mabuhay muli ako o Manatili na lang na nakahimlay sa habang panahon?