Isang engkwentro sa daan ang naging dahilan upang maaksidente si June at mawalan ng malay. Sa kaniyang paggising ay napunta siya sa isang misteryosong lugar na kung saan may bundok na lumulutang sa himpapawid. Sa loob nito'y may kaharian na kung saan nakatira ang mga sinasabi nilang imortal. Nakapasok siya sa kaharian ng mga imortal na walang pahintulot mula sa kinauukulan at naging dahilan upang paghinalaan siya bilang espiya. Nang siya ay pinarusahan ng kamatayan ay bigla na lang lumabas ang marka ng gintong dragon mula sa kaniyang batok na sumisimbolo ng kabanalan at kapangyarihan. Bilang instrumento ng malaalamat na gintong dragon ay kailangan niyang tuparin ang katungkulan bilang kabiyak ng susunod na hari ng Tianmen. Papano niya tutuparin ang propesiya bilang asawa ng prinsipe kung parehas silang lalaki?
14 parts