Wala akong ibang hinangad kundi ang maisalba ang nanlalabo naming relasyon ni Jaydie. Hanggang sa dumating nga sa punto at tuluyan na din kaming nagkahiwalay. Pero biglang dating naman ni Randy, ang lalaking magkakaroon ng malaking parte sa puso ko. Kaya nabigo man ako kay Jaydie, ay may Randy namang mas higit sa kanya. Ngunit paano ko sya tatanggapin kapag nalaman kong hindi rin pala sya perfect para sakin? Pero bakit ko ba naman sya paghahanapan kung ang sabi nga nila ay nobody's perfect? Nakakalito di ba? Yung tipong gusto mo ng tamang tao para sa'yo pero sa mali ka napupunta. Ako nga pala si Jovena, at para mas malinawan kayo, halika subaybayan ang kwento ko.
19 parts